Lunes, Oktubre 10, 2011

Mga Bagay Na Nakakasakit!!

  • Pagkagat nang lamok- yan napakasakit talaga nan lalo kapag di mo makakamot at dimo abot ang makati.haha..
  • Pagkinurot ka ng napakadiin- sobrang sakit lalo na kapag nanunuot yung sakit ang sakit sa pakiramdam.
  • Pag nadapa- masakit kapag nagalusan ka pa at biglang dumugo napaiyak ka pa at ang pinaka masakit na parte nun ay ang mayroong nakita sayo at pinagtawanan ka pa..
  • Pag pinaghintay ka- yan nakakabwisit na masakit sa loob dahil sa tagal na pinaghantay ka nya ay inaalala mo pa siya kung anu ng nangyari sa kanya, at inisip mo pa na napahamak na siya, at ang pinaka masakit duon ay nakalimutan pala nyang naghihintay ka kaya't nauna pa siya sa pupuntahan nyo.tsk tsk!!
  • Pag natamaan ka ng kung anung bagay- masakit talaga, at unti-unti pa pumatak ang luha mo dahil naramdaman mong sobrang sakit ng tumama sayo at ang pinakamasakit pa ay sinadya pala.haha..kanongga..
  • Pag may kagalit ka- mahirap na bagay talaga lalo na kung kasundo mo ang kagalit mo maskit sa loob dahil habang ikaw ay nananahimik lang siya naman ay todo parinig pa at sinisiguradong dapat mong marinig ang mga masasakit na sinasabi niya kahit nananahimk ka na..!!
  • Pag nawalan ng load- sa sobrang excited na magggm yun nagtxt nang ngtxt, ang hindi alam di pa pala unli, at bigla kang magugulat nagsesending failed kasi wala na palang load. Di ba ang sakit nun, sayang na niload mo wala kanang pera para magpaload ulit haha..kabongga!!!
  • Pag nag-away mga magulang mo- napakasakit at pinakamasakit sa lahat ng masakit dahil ikaw pa ang nagiging saksi at minsan pa'y ikaw ang nagiging dahilan para mag-away sila, di ba napakasakit nun at wala kang magawa dahil di ka nila pinakikinggan dahil sila na ang nag-aaway. At ang pinakamasakit pa na parte nun ay wala kang kasalanan at kasalanan nila subalit sa halip na pag-usapan nila ng maayos ay dinadaan nila sa sagutan at pagkalao'y magkakasakitan pa at kahit umawat ka ay wala ding mangyayari dahil sarado na ang kanilang mga isipan sa mga bagay na matino at kung ano ang alam nilang tama ay yun na ang kanilang gugustuhing gawin..Di ba ang sakit nun bilang isang anak na wala kang magawa para mapag-ayos ang sarili mong mga magulang...
  • Pag nagbreak kayo ng GF/BF mo- isa pa sa mga masasakit na bagay na nararamdamn ng mga tao, at ang simpleng dahilan lamang ay hindi kayo nagkaintindihan dahil sa ayaw niyong pakinggan ang isa't isa. kahit na ayaw mong magkahiwalay kayo ay ginusto pa ng karelasyon mo, ang sakit ng ganun dahil hindi manlang niya naisip ang lahat ng mga pinagsamahan niyo at bigla bigla na lamang ay makikipaghiwalay dahil lamang sa walang kwentang bagay, at ang pinakamasakit pa ay makita mo siay na may kasama ng iba at masayang masaya pa habang ikaw parang namatayan at nagluluksa dahil sa pagkawala niya sa buhay mo...
  • Pag walang pera- masakit sa loob at masakit sa bulsa, dahil kahit gusto mong bumili ay hindi mo magawa dahil sa wala kang pera, at ang pinakamasakit pa ay dumating sa punto na naiinggit ka na sa ibang tao dahil habang sila ay kumakain ng masarap at nabibili ang mga bagay na kanilng gusto ikaw ay nakatingin lamang at nag-iisip na sana ganoon ka din sa kanila na malayang nabibili at nakakain ang lahat ng gusto nila..
  • Pag natanggal ang hills ng takong mo- makit na sa paa masakit pa sa pakiramdam lalo na kung ikaw ay mahiyain pa at nahiya ka dahil sa nasira ang takong ng hills mo, at kailangan mo pang magreport sa harapan ng madaming tao habang suot suot ang sira mong takong at sa halip na makinig sila ay sa iyong paa sila nakatingin dahil sa sira mong hills,da ba ang sakit..
  • Pag nilalapitan kalang kapag may kailangan- di lang masakit sa pakiramdam nakaksakit pa sa kalooban mo na kapag may kailangan lamang tsaka ka lalapitan at maaalala, at pag di mo naman binagyan ng pabor sila pang magagalit at magtatampo sa iyo ang hindi nila alam ay mas masakit ang ginagawa nila, ang masakit pa dun ay pag katapos ng hiningi mong pabor ay parang wala lng ulit nangyari at kakalimutan kana ulit, at wala man lang APPRECIATION sa ginawa mo...                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                               
  • Mga ilang bagay na nakasasakit sa damdamin ng tao. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento