Martes, Oktubre 11, 2011

Pasko!!!


Maligayang Pasko!

Bungad sa lahat ng tao, pag sapit ng muling pagkabuhay ng ating panginoon..

napakasaya pag dumating araw na ito sa ating lahat, dahil bukod sa maring pagkain, ay ito ang isa sa hinihintay nang mga magkakalayong pamilya na muling magsama-sama sa sagradong araw na ito..

isa ito sa mga masasayang araw na nagaganap sa aking buhay, dahil muli kong nakakasama ang aking mga mahal sa nuhay lalo ang ang aking mga magulang at aking mga kapatid, isa sa matatawag kong araw ng aming pamilya.

reunion kung baga, masaya at masarap sa pakiramdam lalo pag babatiin mo ang iyong magulang na Merry Christmas o Maligayang Pasko, sabay hahalik ka sa kanila at magpapasalamat sa lahat ng bagay na kanilang ginagawa para sa atin..

marahil ang ating henerasyon sa nagyon ay masasabing hindi na uso ang mga kagawiang ito, dahil na din sa mga pagbabagong nagaganap sa ugali ng bawat tao..

aminado ako na ako mismo ay hindi personal na nakakapagsabi ng I Love You o Mahal kita, pag sumapit ang ganitong mga okasyon, hindi lamang kapag sumasapit ang pasko, maging sa mga iba pang okasyon,..

dahil pagbabago, ako mismo ay nahihiyang magsabi ng mga ganoong bagay sa kanila,, subalit kahit ganoon ay akin namang ibinadarama ang aking pagmamahal sa pamamagitan ng pagsunod sa kanila at pag-aasikaso..

kapag sumasapit ang ganitong araw lahat ng tao'y nagpupunta sa simbahan upang magpasalamat sa ating panginoon sa panibago at mahaba pang buhay na pananatili dito sa ating mundong ibabaw..

sana'y hindi lamang sa ganitong mga okasyon natin naaalala ang ating panginoon,, sanay lagi nating siyang pasalamatan sa lahat ng bagay na ating natatanggap at nakakamit sa ating buhay.

dahil siya ang naglalang sa atin at binuwis ang kaniyang buhay para sa ating kapakanan at kinabukasan. maalala lang natin siya ay tiyak na maliga na siya.

kaya sana patuloy tayong manalig sa kanya at huwag na huwag tayong makalilimot sa kaniyang mga salita..





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento