Miyerkules, Setyembre 14, 2011

Mga Pagbabagong nagaganap sa buhay ng tao!!

Pagbabago na tanging permanente sa ating mundo. Mga bagay o pangyayari na sadyang nagbabago ng hindi mo inaasahan. halimbawa na lamng ng mga pagbabago ay ang pagbabago ng isang tao, ng isang pamilya, sa ating gobyerno at ang pinakamalaking pagbabago sa ating henerasyo, mga halimbawa na maraming kadahilanan upang umulan, magpaunlad at makisabay lamang sa agos ng buhay. Ang pagbabago ng isang tao ay naaayon din marahil sa kanilang mga nararanasan sa buhay, maaaring pagbabago sa kanilang pangangatawan, sa pananalita o sa pagiging bukas ang isip sa lahat ng bagay. Pagbabago sa isang pamilya na marahil din sa mga problemang dumadating sa kanila o kasiyahan na kanilang nararanasan, o di kaya'y mga bagay na hindi inaasahan kung kay't ang bawat miyembro ng pamilya ay nagbabago, o di kaya'y marahil mayroong makaiimpluwensiya na kadalasa'y mga anak ang nakararanas. Pagbabago sa ating gobyerno dahil na din sa mga opisyal na namumuno sa ating bansa, mga pagbabagong hindi inaasahan ng mga taong bayan sa kadahilanang sila'y hindi handa sa mga bibibago sa pamamalakad ng ating gobyerno. at ang pagbabago ng ating henerasyo, na sa bawat minuto ay mayroong mga pagbabagong nagaganap sa ating henerasyon, halimbawa na lamang sa ating pananamit, kung nuon ay lagi na tagong-tago ang ating mga at halos hind makitaan ng laman ngayon naman ay halos kulang nalang e maghubad upang maipakita sa buong madla. Isa pa ay sa ating mga makabagong kagamitan na naiimbento ng mga malikhaing tao kung kay'y tayo'y umuunlad at napapabilis ang pag-unlad sa pagbabagong ito. Mga kagamitan na kung dati'y nagpapatagal ay muling pinaunlad at mas inimprub upang magbigay ng mas malawak na kaalaman sa mga tao. Halimbawa na lamang sa mga kagamitan na ito ay ang kompyuter na dati ay makinarya lamng ang ginagamit, cellphone na dati ay susulat kapa upang maipadala mo ang iyong minsahe sa iyong pamilya o sa iyong minamahal, at mga panibagong sasakyan at mas pinaunlad na kung dati ay mga kalesa. Mga ilan lamang sa pagbabago na nagaganap sa ating mundo na hindi natin inaasahan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento