Martes, Oktubre 11, 2011

Mga Bagay Na Masarap Gawin!!

Mga Bagay Na Masarap Gawin!!
  • Kumain- masarap kumain kapag gutom na gutom ka na at napakasarap ang uulamin mo o kakainin mo ay napakasarap din at madami..
  • Kapag nakamot mo ang parte na makati- yan napakasarap sa pakiramdam kapag ang makati sa parte ng katawan mo na hindi mo maabot at kapag naabot mo syang ikaliligaya mo dahil ang sarap sa pakiramdam kapag ito'y iyong nakamot.
  • Mangulangot- di ba ang sarap sa pakirdam lalo na kapag kasusundot mo at sa sumasakit na ang iyong ilong sa kakasundot dahil ayaw matanggal at kapag itoy iyong natanggal di ba ang sarap sa pakiramdam,,haha.
  • Matulog- masarap matulog at mamaluktot lalo na kapag may bagyo at maginaw pa..
  • Kapag nakatulong- masarap sa pakiramdam lalo't ang tinulungan mo'y binibigyan ka ng kapalit..haha
  • Kapag nagluto ka- at yung niluto mo ay nagustuhan ng mga kumain dahil lamng sa sila ay gutom.hehe.di ba ang sarap sa pakiramdam.
  • Kapag nakatxt mo ang crush mo- di ba hindi lamang masarap sa pakiramdan, masaya kapa at kung susulitin kikiligin ka pa.
  • Masarap gawin ang mali- bakit nga ba mas nakakarami sa atin ang gustong gustong gawin ang mga bagay na alam nating mali...di ko maintindihan na kung ano pa yung mali yun pa ang masarap gawin....gaya ng paninigarilyo, pag-inom ng alak,
  • Masarap makipagkaibigan-Hindi sa lahat ng pagkakataon Bad Influence ang BARKADA , sadyang may mga bagay lang na masarap gawin kapag sila ang KASAMA.
  • Masarap gawin kapag umuulan o bumabagyo- Ipag-pray na sana wag na bumaha.
  • Masarap Gawin sa itlog- iptrito ng may dilaw tsaka ipalaman sa tinapay at saluhan ng kape,hehe..

Mga ilang bagay na masarap gawin!!!

Pasko!!!


Maligayang Pasko!

Bungad sa lahat ng tao, pag sapit ng muling pagkabuhay ng ating panginoon..

napakasaya pag dumating araw na ito sa ating lahat, dahil bukod sa maring pagkain, ay ito ang isa sa hinihintay nang mga magkakalayong pamilya na muling magsama-sama sa sagradong araw na ito..

isa ito sa mga masasayang araw na nagaganap sa aking buhay, dahil muli kong nakakasama ang aking mga mahal sa nuhay lalo ang ang aking mga magulang at aking mga kapatid, isa sa matatawag kong araw ng aming pamilya.

reunion kung baga, masaya at masarap sa pakiramdam lalo pag babatiin mo ang iyong magulang na Merry Christmas o Maligayang Pasko, sabay hahalik ka sa kanila at magpapasalamat sa lahat ng bagay na kanilang ginagawa para sa atin..

marahil ang ating henerasyon sa nagyon ay masasabing hindi na uso ang mga kagawiang ito, dahil na din sa mga pagbabagong nagaganap sa ugali ng bawat tao..

aminado ako na ako mismo ay hindi personal na nakakapagsabi ng I Love You o Mahal kita, pag sumapit ang ganitong mga okasyon, hindi lamang kapag sumasapit ang pasko, maging sa mga iba pang okasyon,..

dahil pagbabago, ako mismo ay nahihiyang magsabi ng mga ganoong bagay sa kanila,, subalit kahit ganoon ay akin namang ibinadarama ang aking pagmamahal sa pamamagitan ng pagsunod sa kanila at pag-aasikaso..

kapag sumasapit ang ganitong araw lahat ng tao'y nagpupunta sa simbahan upang magpasalamat sa ating panginoon sa panibago at mahaba pang buhay na pananatili dito sa ating mundong ibabaw..

sana'y hindi lamang sa ganitong mga okasyon natin naaalala ang ating panginoon,, sanay lagi nating siyang pasalamatan sa lahat ng bagay na ating natatanggap at nakakamit sa ating buhay.

dahil siya ang naglalang sa atin at binuwis ang kaniyang buhay para sa ating kapakanan at kinabukasan. maalala lang natin siya ay tiyak na maliga na siya.

kaya sana patuloy tayong manalig sa kanya at huwag na huwag tayong makalilimot sa kaniyang mga salita..





Lunes, Oktubre 10, 2011

Mga Bagay Na Nakakasakit!!

  • Pagkagat nang lamok- yan napakasakit talaga nan lalo kapag di mo makakamot at dimo abot ang makati.haha..
  • Pagkinurot ka ng napakadiin- sobrang sakit lalo na kapag nanunuot yung sakit ang sakit sa pakiramdam.
  • Pag nadapa- masakit kapag nagalusan ka pa at biglang dumugo napaiyak ka pa at ang pinaka masakit na parte nun ay ang mayroong nakita sayo at pinagtawanan ka pa..
  • Pag pinaghintay ka- yan nakakabwisit na masakit sa loob dahil sa tagal na pinaghantay ka nya ay inaalala mo pa siya kung anu ng nangyari sa kanya, at inisip mo pa na napahamak na siya, at ang pinaka masakit duon ay nakalimutan pala nyang naghihintay ka kaya't nauna pa siya sa pupuntahan nyo.tsk tsk!!
  • Pag natamaan ka ng kung anung bagay- masakit talaga, at unti-unti pa pumatak ang luha mo dahil naramdaman mong sobrang sakit ng tumama sayo at ang pinakamasakit pa ay sinadya pala.haha..kanongga..
  • Pag may kagalit ka- mahirap na bagay talaga lalo na kung kasundo mo ang kagalit mo maskit sa loob dahil habang ikaw ay nananahimik lang siya naman ay todo parinig pa at sinisiguradong dapat mong marinig ang mga masasakit na sinasabi niya kahit nananahimk ka na..!!
  • Pag nawalan ng load- sa sobrang excited na magggm yun nagtxt nang ngtxt, ang hindi alam di pa pala unli, at bigla kang magugulat nagsesending failed kasi wala na palang load. Di ba ang sakit nun, sayang na niload mo wala kanang pera para magpaload ulit haha..kabongga!!!
  • Pag nag-away mga magulang mo- napakasakit at pinakamasakit sa lahat ng masakit dahil ikaw pa ang nagiging saksi at minsan pa'y ikaw ang nagiging dahilan para mag-away sila, di ba napakasakit nun at wala kang magawa dahil di ka nila pinakikinggan dahil sila na ang nag-aaway. At ang pinakamasakit pa na parte nun ay wala kang kasalanan at kasalanan nila subalit sa halip na pag-usapan nila ng maayos ay dinadaan nila sa sagutan at pagkalao'y magkakasakitan pa at kahit umawat ka ay wala ding mangyayari dahil sarado na ang kanilang mga isipan sa mga bagay na matino at kung ano ang alam nilang tama ay yun na ang kanilang gugustuhing gawin..Di ba ang sakit nun bilang isang anak na wala kang magawa para mapag-ayos ang sarili mong mga magulang...
  • Pag nagbreak kayo ng GF/BF mo- isa pa sa mga masasakit na bagay na nararamdamn ng mga tao, at ang simpleng dahilan lamang ay hindi kayo nagkaintindihan dahil sa ayaw niyong pakinggan ang isa't isa. kahit na ayaw mong magkahiwalay kayo ay ginusto pa ng karelasyon mo, ang sakit ng ganun dahil hindi manlang niya naisip ang lahat ng mga pinagsamahan niyo at bigla bigla na lamang ay makikipaghiwalay dahil lamang sa walang kwentang bagay, at ang pinakamasakit pa ay makita mo siay na may kasama ng iba at masayang masaya pa habang ikaw parang namatayan at nagluluksa dahil sa pagkawala niya sa buhay mo...
  • Pag walang pera- masakit sa loob at masakit sa bulsa, dahil kahit gusto mong bumili ay hindi mo magawa dahil sa wala kang pera, at ang pinakamasakit pa ay dumating sa punto na naiinggit ka na sa ibang tao dahil habang sila ay kumakain ng masarap at nabibili ang mga bagay na kanilng gusto ikaw ay nakatingin lamang at nag-iisip na sana ganoon ka din sa kanila na malayang nabibili at nakakain ang lahat ng gusto nila..
  • Pag natanggal ang hills ng takong mo- makit na sa paa masakit pa sa pakiramdam lalo na kung ikaw ay mahiyain pa at nahiya ka dahil sa nasira ang takong ng hills mo, at kailangan mo pang magreport sa harapan ng madaming tao habang suot suot ang sira mong takong at sa halip na makinig sila ay sa iyong paa sila nakatingin dahil sa sira mong hills,da ba ang sakit..
  • Pag nilalapitan kalang kapag may kailangan- di lang masakit sa pakiramdam nakaksakit pa sa kalooban mo na kapag may kailangan lamang tsaka ka lalapitan at maaalala, at pag di mo naman binagyan ng pabor sila pang magagalit at magtatampo sa iyo ang hindi nila alam ay mas masakit ang ginagawa nila, ang masakit pa dun ay pag katapos ng hiningi mong pabor ay parang wala lng ulit nangyari at kakalimutan kana ulit, at wala man lang APPRECIATION sa ginawa mo...                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                               
  • Mga ilang bagay na nakasasakit sa damdamin ng tao. 

Miyerkules, Setyembre 14, 2011

Mga Pagbabagong nagaganap sa buhay ng tao!!

Pagbabago na tanging permanente sa ating mundo. Mga bagay o pangyayari na sadyang nagbabago ng hindi mo inaasahan. halimbawa na lamng ng mga pagbabago ay ang pagbabago ng isang tao, ng isang pamilya, sa ating gobyerno at ang pinakamalaking pagbabago sa ating henerasyo, mga halimbawa na maraming kadahilanan upang umulan, magpaunlad at makisabay lamang sa agos ng buhay. Ang pagbabago ng isang tao ay naaayon din marahil sa kanilang mga nararanasan sa buhay, maaaring pagbabago sa kanilang pangangatawan, sa pananalita o sa pagiging bukas ang isip sa lahat ng bagay. Pagbabago sa isang pamilya na marahil din sa mga problemang dumadating sa kanila o kasiyahan na kanilang nararanasan, o di kaya'y mga bagay na hindi inaasahan kung kay't ang bawat miyembro ng pamilya ay nagbabago, o di kaya'y marahil mayroong makaiimpluwensiya na kadalasa'y mga anak ang nakararanas. Pagbabago sa ating gobyerno dahil na din sa mga opisyal na namumuno sa ating bansa, mga pagbabagong hindi inaasahan ng mga taong bayan sa kadahilanang sila'y hindi handa sa mga bibibago sa pamamalakad ng ating gobyerno. at ang pagbabago ng ating henerasyo, na sa bawat minuto ay mayroong mga pagbabagong nagaganap sa ating henerasyon, halimbawa na lamang sa ating pananamit, kung nuon ay lagi na tagong-tago ang ating mga at halos hind makitaan ng laman ngayon naman ay halos kulang nalang e maghubad upang maipakita sa buong madla. Isa pa ay sa ating mga makabagong kagamitan na naiimbento ng mga malikhaing tao kung kay'y tayo'y umuunlad at napapabilis ang pag-unlad sa pagbabagong ito. Mga kagamitan na kung dati'y nagpapatagal ay muling pinaunlad at mas inimprub upang magbigay ng mas malawak na kaalaman sa mga tao. Halimbawa na lamang sa mga kagamitan na ito ay ang kompyuter na dati ay makinarya lamng ang ginagamit, cellphone na dati ay susulat kapa upang maipadala mo ang iyong minsahe sa iyong pamilya o sa iyong minamahal, at mga panibagong sasakyan at mas pinaunlad na kung dati ay mga kalesa. Mga ilan lamang sa pagbabago na nagaganap sa ating mundo na hindi natin inaasahan.

pagkakaibigan!!!

Pagkakaibigan,pagkakaibigan na nagbubuklod sa bawat tao at nagbibigay kasiyahan, nagbibigay ng payo, nasasandalan sa oras ng pangangailangan. Kailan mo nga ba masasabi na tama ang napili mong kaibigan o tama ang napili mong kakaibiganin? Sa tuwing akoy nagbabalik-tanaw sa aking nakaraan at aalalahanin ang mga dating kaibigan, laging sumasagi sa aking isp na nasaan na kaya sila?naaalala pa kaya nila ako? Ano na kaya ang kani-kanilang mga buhay? Mga tanong na ako din mismo ang sumasagot. Ang pagkakaibigan ay nakakapagpasaya sa isang tao o higit o di kaya'y nagpapalungkot. Nagpapasaya sa kadahilanang kapag kayo'y magkakasama kayo ay maraming nailalaan na oras sa isa't- isa at nakakapagpamahagi ng inyong mga kwento o karanasan,nagsasabihan ng mga problema at nagpapayuhan sa bawat isa. Nakakalungkot sa kadahilanang kapag ika'y nag-iisa iyong naaalala ang masasayang araw na kayo'y magkakasama. Kaysayang isipan na sa unang araw sa eskwela ay may kaibigan ka agad at nakasundo sa lahat ng bagay, mga kaibigang maituturing mong parang pangalawang kapamilya. Subalit sa pagdating ng bagong semestre ay napapalitan ang ating mga nakakasama, nakakalunkot na ang iba ay hindi na nakaaalala at nakaaalala lamang kung siya ay mayroon lamang kailangan. Masakit man ang ganoong mga bagay kailangan mo pading tanggapin ang pagbabago lamang permanente dito sa ating mundo. Mga pagbabagong ikinagaganda at ikinapapangit ng isang katauhan ng tao. Mabuti't may mangilan-ngilan pading mga kaibigan na tapat at laging umaalala at nagmamahal sa iyo, at ang nakagugulat pa ay ito pa ang taong iyong hindi napapansin at naaalala. Tsaka mo lang maririyalays na hindi lamang pala sila ang nakalilimot kundi pati rin ikaw. Subalit ang maganda ay nalaman mong ikaw ay nagkakamali hindi katulad ng iba na puro sarili ang kanilang sarili ang iniisip at ang pagkakamali ng ibang tao ay nakikita subalit ang kanilang pagkakamali ay hindi napapansin. Maging sa damdamin ay ganoon din, marahil ay lahat ng tao ay nararamdaman ito at ako'y isa na dito,mga mga salita na nakakasakit sa ating pandinig at higit sa lahat ay sa ating damdamin, masakit mang tanggapin ganun talaga ang bawat relasyon ay hindi maiiwasang hindi magkasakitan ng mga kalooban. Marialays din sa ng mga tao na walang taong perpekto sa ating mundo upang maging bukas ang kanilang mga isip sa pagkakamaling naggagawa ng mga tao lalo na sa mga magkakaibigang nagkakasakitan. Hindi naman siguro tayo magbubuo ng isang pagkakaibigan na tatagal lamang ng isang araw o isang linggo, mas masaya na ang pagkakaibigan ay nagtatagal panghabang-buhay..