Miyerkules, Setyembre 14, 2011

Mga Pagbabagong nagaganap sa buhay ng tao!!

Pagbabago na tanging permanente sa ating mundo. Mga bagay o pangyayari na sadyang nagbabago ng hindi mo inaasahan. halimbawa na lamng ng mga pagbabago ay ang pagbabago ng isang tao, ng isang pamilya, sa ating gobyerno at ang pinakamalaking pagbabago sa ating henerasyo, mga halimbawa na maraming kadahilanan upang umulan, magpaunlad at makisabay lamang sa agos ng buhay. Ang pagbabago ng isang tao ay naaayon din marahil sa kanilang mga nararanasan sa buhay, maaaring pagbabago sa kanilang pangangatawan, sa pananalita o sa pagiging bukas ang isip sa lahat ng bagay. Pagbabago sa isang pamilya na marahil din sa mga problemang dumadating sa kanila o kasiyahan na kanilang nararanasan, o di kaya'y mga bagay na hindi inaasahan kung kay't ang bawat miyembro ng pamilya ay nagbabago, o di kaya'y marahil mayroong makaiimpluwensiya na kadalasa'y mga anak ang nakararanas. Pagbabago sa ating gobyerno dahil na din sa mga opisyal na namumuno sa ating bansa, mga pagbabagong hindi inaasahan ng mga taong bayan sa kadahilanang sila'y hindi handa sa mga bibibago sa pamamalakad ng ating gobyerno. at ang pagbabago ng ating henerasyo, na sa bawat minuto ay mayroong mga pagbabagong nagaganap sa ating henerasyon, halimbawa na lamang sa ating pananamit, kung nuon ay lagi na tagong-tago ang ating mga at halos hind makitaan ng laman ngayon naman ay halos kulang nalang e maghubad upang maipakita sa buong madla. Isa pa ay sa ating mga makabagong kagamitan na naiimbento ng mga malikhaing tao kung kay'y tayo'y umuunlad at napapabilis ang pag-unlad sa pagbabagong ito. Mga kagamitan na kung dati'y nagpapatagal ay muling pinaunlad at mas inimprub upang magbigay ng mas malawak na kaalaman sa mga tao. Halimbawa na lamang sa mga kagamitan na ito ay ang kompyuter na dati ay makinarya lamng ang ginagamit, cellphone na dati ay susulat kapa upang maipadala mo ang iyong minsahe sa iyong pamilya o sa iyong minamahal, at mga panibagong sasakyan at mas pinaunlad na kung dati ay mga kalesa. Mga ilan lamang sa pagbabago na nagaganap sa ating mundo na hindi natin inaasahan.

pagkakaibigan!!!

Pagkakaibigan,pagkakaibigan na nagbubuklod sa bawat tao at nagbibigay kasiyahan, nagbibigay ng payo, nasasandalan sa oras ng pangangailangan. Kailan mo nga ba masasabi na tama ang napili mong kaibigan o tama ang napili mong kakaibiganin? Sa tuwing akoy nagbabalik-tanaw sa aking nakaraan at aalalahanin ang mga dating kaibigan, laging sumasagi sa aking isp na nasaan na kaya sila?naaalala pa kaya nila ako? Ano na kaya ang kani-kanilang mga buhay? Mga tanong na ako din mismo ang sumasagot. Ang pagkakaibigan ay nakakapagpasaya sa isang tao o higit o di kaya'y nagpapalungkot. Nagpapasaya sa kadahilanang kapag kayo'y magkakasama kayo ay maraming nailalaan na oras sa isa't- isa at nakakapagpamahagi ng inyong mga kwento o karanasan,nagsasabihan ng mga problema at nagpapayuhan sa bawat isa. Nakakalungkot sa kadahilanang kapag ika'y nag-iisa iyong naaalala ang masasayang araw na kayo'y magkakasama. Kaysayang isipan na sa unang araw sa eskwela ay may kaibigan ka agad at nakasundo sa lahat ng bagay, mga kaibigang maituturing mong parang pangalawang kapamilya. Subalit sa pagdating ng bagong semestre ay napapalitan ang ating mga nakakasama, nakakalunkot na ang iba ay hindi na nakaaalala at nakaaalala lamang kung siya ay mayroon lamang kailangan. Masakit man ang ganoong mga bagay kailangan mo pading tanggapin ang pagbabago lamang permanente dito sa ating mundo. Mga pagbabagong ikinagaganda at ikinapapangit ng isang katauhan ng tao. Mabuti't may mangilan-ngilan pading mga kaibigan na tapat at laging umaalala at nagmamahal sa iyo, at ang nakagugulat pa ay ito pa ang taong iyong hindi napapansin at naaalala. Tsaka mo lang maririyalays na hindi lamang pala sila ang nakalilimot kundi pati rin ikaw. Subalit ang maganda ay nalaman mong ikaw ay nagkakamali hindi katulad ng iba na puro sarili ang kanilang sarili ang iniisip at ang pagkakamali ng ibang tao ay nakikita subalit ang kanilang pagkakamali ay hindi napapansin. Maging sa damdamin ay ganoon din, marahil ay lahat ng tao ay nararamdaman ito at ako'y isa na dito,mga mga salita na nakakasakit sa ating pandinig at higit sa lahat ay sa ating damdamin, masakit mang tanggapin ganun talaga ang bawat relasyon ay hindi maiiwasang hindi magkasakitan ng mga kalooban. Marialays din sa ng mga tao na walang taong perpekto sa ating mundo upang maging bukas ang kanilang mga isip sa pagkakamaling naggagawa ng mga tao lalo na sa mga magkakaibigang nagkakasakitan. Hindi naman siguro tayo magbubuo ng isang pagkakaibigan na tatagal lamang ng isang araw o isang linggo, mas masaya na ang pagkakaibigan ay nagtatagal panghabang-buhay..